Friday , December 19 2025

Recent Posts

Dedikasyon ni Vice Ganda sa industriya, sobra-sobra

TUWANG-TUWA ang Team Vice sa karangalang iginawad ng FAMAS kay Vice Ganda, ang Dolphy Lifetime Achievement Award.  Tiyak na magsisilbi pa itong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice ang pagbibigay-kaligayahan sa lahat ng Filipino saan mang dako ng mundo.  Marami ang natuwa sa natanggap ni Vice na parangal na mismong ang mga anak ni Mang Dolphy ang pumili sa magaling na komedyante.  Rito pinatunayang ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award ay hindi nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kundi sa mga na-achieve o nai-contribute ng kanyang karera.   Hindi naman maide-deny na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work.  Kasi naman hindi ba, sa pelikula, patuloy na bini-break ni VG ang record na itinatakda niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan.  Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings ng It’s Showtime, GGV, at ang katatapos lamang na Pilipinas Got Talent.  Ibang level kasi ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkaboggable star  sa mga Kapamilya niya sa North America at sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada.  SHOWBIZ KONEK ni Maricris Valdez Nicasio    

Read More »

Student directors, magpapakitang-gilas sa Theater Festival na Tingkala! 

MATUTUNGHAYAN na sa Mayo 16 at 17 ang mga dulang inihanda ng mga student director mula sa University of the Philippines, Los Banos bilang parte ng Theater Festival na Tingkala!  Mapapanood ang mga dulang idinirehe ng mga estudyante sa THEA 109 Directing Class ang Miss Dulce Extranjera, na isinulat ni SIR Anril Pineda Tiatco sa Mayo 16 (4:00 p.m.) at …

Read More »

Mary Joy Apostol, umaarangkada ang showbiz career!

NAGSIMULA si Mary Joy Apostol sa mga short at indie films. Mula rito, dumating ang biggest break niya via Birdshot ni Direk Mikhail Red na tinampukan nila nina John Arcilla, Arnold Reyes, at Ku Aquino. Aminado si Mary Joy na wala sa hinagap niya na ito ang magpapabago sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo siya ng award at …

Read More »