Sunday , May 19 2024

Rommel Placente

Maricel, nami-miss na ng fans

HINDI na visible sa telebisyon at pelikula si Maricel Soriano.  Huli siyang napanood sa seryeng Ang Dalawang Mrs. Real opposite Dingdong Dantes na ipinalabas three years ago pa, and that was 2013.  Huli naman siyang napanood sa pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin with Mayor Herbert Bautista noong  2015.  Ano na kaya ang pinagkakabalahan ngayon ni Maricel?  Hindi kaya nami-miss na rin niya ang umarte?   Sana …

Read More »

Dianne, proud na naging leading lady ni Gerald

MASUWERTE si Dianne Medina na siya ang kinuhang leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang AWOL na naging entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Sa dinami-rami ng artistang babae at least siya ang napili. Leading lady material naman kasi itong si Dianne. Sana after Gerald ay mas malalaking artistang lalaki pa ang makatambal niya. (ROMMEL PLACENTE) A post shared by …

Read More »

Myrtle, ‘di iiwan ang Kapamilya

TINANONG namin si Myrtle Sarrosa kung totoo ‘yung nabalitaan namin na nagbalak siyang lumipat sa GMA 7 nang mapansin niyang walang nangyayari sa career niya sa ABS-CBN 2. “Actually, may inquiries kami for other networks but we decided pa to stay pa ngayon sa ABS-CBN. Kasi right after, right even before I graduated, ang dami nilang ibinibigay na projects sa …

Read More »

Kathryn, inspired gumawa ng indie film

WALA pang nagagawang indie film si Kathryn Bernardo kaya naman tinanong siya kung gaya ng ibang artista ay open din ba siya na sumubok sa indie? Sagot ni Kathryn, ”Pinag-usapan lang namin ‘yan recently ni Daniel (Padilla) at ni Khalil (Ramos). Kasi alam nating parati siyang napapasama sa mga Cinema One Originals, ganyan. So nai-inspire ako actually kay Khalil kapag …

Read More »

Carlo, muling naramdaman ang husay sa Bar Boys

NAPANOOD namin ang pelikulang Bar Boys, isa sa entries sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino na bida sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Rocco Nacino. In fairness, nagustuhan namin ang pelikula. Tungkol ito sa tatlong magkakaibigan na sina Carlo, Enzo, at Rocco na kumukuha ng kursong abogasya. Sa kanilang tatlo ay si Carlo ang pinakamahina. Muntik na nga …

Read More »

Galing ni Odette, nabigyan ding halaga

NAGANTIMPALAAN din finally ang pagiging isang mahusay na akres ni Odette Khan. Sa tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nabigyan ng markadong papel, ito ay sa pamamagitan ng Ika-6 na Utos na idinidirehe ni Laurice Guillen. Naka-relate si Odette sa istorya ng mga mayordoma at katulong sa tunay na buhay lalo na noong sagot-sagutin niya sina Ryza Cenon at …

Read More »

Direk Novavos, ‘di raw nabayaran sa ginawang pelikula

NAGSUMBONG sa amin ang aming kaibigang si Direk Christopher Novavos. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya binabayaran ni Direk Byron Bryant sa utang nito kanya. Ani Direk Novavos, kinuha siya nito bilang assistant director para sa pelikulang Sinandomeng at bilang isa ring production designer. Natapos at naipalabas na ang pelikula ay hindi siya nabayaran. Sinabi pa ng director na …

Read More »

MTRCB Board Member appointment, tinanggihan ni Bayani Agbayani

INA-APPOINT pala si Bayani Agbayani bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pero hindi niya ito tinanggap. Hindi kasi niya magagampanan ang tungkulin/trabaho dahil laging puno ang schedule niya. “Kasi unang-una, mayroon akong Kawasaki provincial tour. Mayroon akong sitcom, series kay Jodi (Sta. Maria) at saka kay Robin (Padilla). So, hindi ko magagawa ‘yung …

Read More »

Sunshine, sobrang proud sa Wildflower

NOONG nagpakasal si Sunshine Cruz kay Cesar Montano noong taong 2000, nag-lie low siya sa showbiz. Nag-concentrate na lang muna siya kay Cesar at sa pag-aalaga ng kanilang tatlong mga anak na babae na sina Angeline Isabelle, Angel Franchesca, at Samantha Angeline. Pero noong maghiwalay sila ni Cesar taong 2013 ay nag-decide siyang bumalik sa showbiz. Lumabas siya sa ilang …

Read More »

Ynna, may emotional letter sa namayapang ama

KAMAKAILAN ay nag-post sa kanyang Instagram account si Ynna Asistio ng emotional letter para sa kanyang namayapang ama na si dating Caloocan Mayor Boy Asistio. Sabi niya sa kanyang IG post, “Hi Dad! How are you up there? I miss you everyday and habang tumatagal mas humihirap, sometimes I try to brush off the hurt and pain I feel everytime …

Read More »

Lalaking malapit sa puso ni Ara, ipinasok sa rehab

MAY natapos gawing indie film si Ara Mina, ang Adik, na isa siya sa mga bida rito. Dahil tungkol sa drug addiction ang istorya ng latest movie ng aktres, kaya naman nabanggit niya sa may isang lalaking malapit sa kanyang puso na naging adik, na ipinasok niya sa rehabilitation center. Ayaw na nga lang banggitin ni Ara ang pangalan nito. …

Read More »

Allan K, pinatulan ang basher nina Alden at Patricia

SINAGOT ni Allan K ang isang netizen na pilit iniuugnay ang kanyang co-hosts sa Eat Bulaga na sina Alden Richards at Patricia Tumulak. Ang netizen na may handle name na @rosalindaortega36 ay nagkomento sa isang Instagram post ni Allan K. Sinabi nito na sina Alden at Patricia na lang ang gawing magka-love team dahil ang mga ito naman ang talagang …

Read More »

Barbie at Jak, may relasyon na

Barbie Forteza Jak Roberto

OBVIOUS naman na may relasyon na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Halatang-halata sa mga kilos nila kapag magkasama sila na in-love sa isa’t isa. Noong i-celebrate ni Barbie ang birthday niya sa Sunday Pinasaya noong Linggo, kilig na kilig siya dahil isa sa naging bisita niya si Jak. At nang tanungin siya ni Alden Richards, isa sa hosts ng …

Read More »

Rayver, gandang-ganda sa kasimplehan ni Janine

MULA nang aminin ni Rayver Cruz na nililigawan niya na si Janine Gutierrez, kabi-kabila ang natatanggap niyang pagbatikos mula sa kanyang bashers na karamihan ay tagahanga ng aktres at ng ex nitong si Elmo Magalona. Pero sa interview sa aktor ng Pep.ph, sinabi niyang hindi niya na lang iniintindi ang kanyang bashers, na hindi siya nagpapaapekto sa mga ito. “Okay …

Read More »

Aljur, dapat pagbutihin ang pag-arte

NOONG Lunes, July 31, opisyal na sinalubong si Aljur Abrenica ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, at Deo Endrinal. Ayon sa post ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, magkakaroon na ng show si Aljur sa Kapamilya Network at nailatag na rin ang iba pang programa para sa aktor. Pero, walang pinirmahang exclusive contract sa ABS-CBN …

Read More »

Fan ni Angel, hiling ang sariling teleserye

MARAMI kaming natanggap na text messages mula sa grupo ng mga tagahanga ni Angel Locsin, ang Angel Locsin Supporters, na ang ilan sa mga member ay mula pa sa ibang bansa, na nananawagan sa ABS-CBN 2, na sana ay mabigyan na uli ng serye ang kanilang idolo na siya ang bida. Sabik na kasi silang mapanood ang award-winning actress sa …

Read More »

Robin, hubo’t hubad kapag nasa kuwarto

MAY nakapagsabi sa amin na may mga time na kapag nasa kuwarto lang si Robin Padilla ay hubo’t hubad ito. Kaya kapag may iniuutos siya sa kanilang mga kasambahay, na may ipinakukuha sa mga ito, hindi niya pinapapasok sa kanilang kuwarto ni Mariel. Inaabot niya lang ito sa pinto na nakaawang lang ng kaunti. Baka kasi masilipan siya at makita …

Read More »

Tetay, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Karla at Jolina

NAGPALIWANAG na si Kris Aquino tungkol sa sinasabing in-unfollow niya sa kanyang Instagram account ang mga kaibigang sina Karla Estrada at Jolina Magdangal. Ayon sa TV host/actress , hindi niya alam kung paano nangyari ‘yun, na na-unfollow niya sina Karla at Jolina. Tatlo kasi silang nagma-manage sa kanyang Instagram account. Aalamin niya kung paanong nangyari ‘yun. Gayunman, humingi pa rin …

Read More »

Marian, nakaramdam ng sepanx

NAGKAROON pala ng sakit na separation anxiety si Marian Rivera. Ito ay dahil madalang niyang nakakasama ang kanilang anak ni Dingdong Dantes, si Baby Zia dahil nadagdagan ang kanyang traba ho. Bukod sa Sunday Pinasaya, may bagong serye kasi siya ngayon sa GMA 7, ang Super Ma’am na gumaganap siya rito bilang isang super hero na guro. Tuwing taping days …

Read More »

Paulo, no show sa 7th birthday ng anak

paulo avelino

NOONG Sabado ay ipinagdiwang ng anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino na si Aki ang ika-7 kaarawan nito na isang Batman inspired party dahil paborito ng bagets si Batman. Ang party ay ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City. Present sa okasyon ang mga miyembro ng pamilya ni LJ, mga kaibigan, at ang mga kaklase ni Aki …

Read More »

Arnell Ignacio, pasok na sa MMFF execom

MARAMI talaga ang nagtitiwala sa kakayahan ni Arnell Ignacio. Pagkatapos siyang kunin ni Pangulong Duterte bilang AVP on Community Relations and Services ng PAGCOR, heto’t nakatanggap siya ng sulat mula sa Metro Manila Film Fesrival 2017 na maging bahagi ng Executive committee, kapalit ng apat na miyembrong nag-resign kamakailan. Noong ipinadala sa tanggapan niya ang sulat at nagpaalam na rin …

Read More »