Wednesday , June 19 2024
Rica Peralejo

Rica emosyonal sa muling pagtapak sa ABS-CBN

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Sunday ay guest si Rica Peralejo sa ASAP Natin ‘To, kasama  ang batchmates niya  sa showbiz na sina Jolina Magdagal at Nikki Valdez. Nagkaroon sila ng production number kasama sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla.

Ipinost ni Rica sa kanyang Instagram account ang muli niyang pagtapak sa ABS-CBN bulding. At  naging sentimental siya sa kanyang naging post. Binalikan niya ang mga magagandang alaala niya sa Kapamilya Network.

Post ni Rica published as it is, “Being on television last Sunday again reminded me of how lucky I was to have grown up performing alongside some of the greatest names in the industry since I was 12 years old.

“I no longer sing for a living but when I was invited I said yes kasi napakakapal naman ng mukha ko mag-no after sabihin kasnama ko ay no less than ZsaZsa P and Regine V.

“At higit sa lahat, na magkadressing room kaming muli nila @nikkivaldez_ at @mariajolina_ig na ang lakas makabalik ng many good memories.

“Hindi ko akalain na maeenjoy ko pala ito.”

Hindi akalain ni Rica na magiging emosyonal ang kanyang dapat ay guest appearance lang sa ASAP Natin ‘To.

Sa isa pa niyang post, sinabi niya na  ang gusali ng ABS-CBN ang nagsilbing pangalawang tahanan niya dahil doon siya lumaki. Marami na raw nagbago pero marami pa rin siyang magagandang alaala.

Everything feels different while also everything feels familiar. Like it was only yesterday.

“Part of me is emotional, and maybe that comes with your 40s and you realize so much of what shaped your life.

“And it reminded me today of how I never wanted to be popular, and that I only wanted to be a performer. It reminded me also of hard work.

“It reminded me of how humbling it is to be in this business, of how you cannot be entitled.”

About Rommel Placente

Check Also

Andrea nagpagulong-gulong at umiyak, picture pinusuan ng Koren star 

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato …

Liza Soberano Julia Barretto Kathryn Bernardo

Liza at Julia ‘di issue mag-unfollow man kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit parang issue pa na nag-unfollow si Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn …

Maine Mendoza TV5

Maine Mendoza ‘di binastos nagpakuha ng selfie

HATAWANni Ed de Leon BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi …

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …