Thursday , June 1 2023
Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang komedyante,  sa mga kandidata this year sa Binibining Pilipinas 2022. Ayon kay Hipon, maraming nagba-bash at nagdo-down sa kanya sa ginawa niyang pagsali sa nasabing beauty pageant. 

Komedyante lang daw siya at wala namang ganda. Hindi raw siya mananalo o makakakuha ng kahit isang korona sa Binibining Pilipinas.

Ayon kay Hipon, nasasaktan din siya sa ginagawang pagmamaliit sa kanya, pero nagsisilbing inspirasyon ‘yun para mas pag-igihan niya o gawin niya ang lahat, para manalo o makakuha ng isang korona sa Binibining Pilipinas 2022.

Sana sa mga humihila sa akin pababa, hilahin ninyo na lang akong pataas. At isasama ko pa kayo,” sabi ni Hipon sa mga detractor niya.

Bukod sa pagiging komedyante, kilala na rin si Hipon bilang isang influencer. Million na ang followers niya sa kanyang vlog. Pero bakit sa kabila nito, ay gusto pa rin niyang maging isang beauty queen?

Parang mas gusto kong palawakin ‘yung maiimpluwensahan ko. ‘Pag naging beauty queen  ka kasi, mas marami kang tao na maiimpluwensyahan. Magiging inspirasyon ako para sa kanila sa mga pinagdaanan ko sa buhay, sa mga achievement ko,” sagot ni Nicole.

Sino ba ang nag-impluwensiya sa kanya para sumali sa Binibining Pilipinas?

“Si Sir Wilbert Tolentino, ang aking mentor, ang aking sponsor. Lahat talaga, as in, ginagawa niya para sa akin. Abangan ninyo  sa vlog namin kung ano ang pinakarason kung bakit nakumbinsi niya ako na sumali sa Binibining Pilipinas,” sambit pa ni Nicole.

About Rommel Placente

Check Also

Michelle Dee Max Collins rhian ramos

Michelle Dee umamin sa pagiging bisexual; Rhian at Max suportado ang kaibigan

RATED Rni Rommel Gonzales BINASAG na ni Michelle Dee ang kanyang katahimikan. Tinuldukan na niya ang noon …

Mama Mary Padre Pio

Ate Vi deboto ni Mama Mary at ng mga santo

HATAWANni Ed de Leon ANO pa nga ba ang hahanapin mo kung every now and …

Sunshine Cruz Jodi Sta Maria

Sunshine nahilo sa lakas ng sampal ni Jodi 

ni ALLAN SANCON ISA si Sunshine Cruz sa mga abalang artista ngayon dahil kabi-kabila ang kanyang teleserye, …

Quinn Carrillo Ai Ai delas Alas

Quinn sobrang na-enjoy pakikipagtrabaho kay Ai Ai

MA at PAni Rommel Placente MAY natapos gawing pelikula si Quinn Carrillo titled Litrato, na pinagbibidahan nila nina Ai …

John Lloyd Cruz Sarah Geronimo

John Lloyd at Sarah pelikulang pagsasamahan ikinakasa na

MA at PAni Rommel Placente MULING magtatambal sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Bago matapos …