Thursday , June 4 2026
Janine Gutierrez Paulo Avelino

Janine wish mapanood ang Ngayon Kaya ng netizens

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL Ngayon Kaya ang pamagat ng pelikula nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, tinanong namin ang aktres kung may isang bagay na nais niyang mangyari NGAYON, ano KAYA iyon?

Sana mabigyan ng pagkakataon ‘yung ‘Ngayon Kaya’ na mapanood talaga ng maraming tao sa sinehan.

Kasi I understand nga na we’re one of the first to do a theatrical release post-pandemic so, sobrang na-appreciate po namin ‘yung pagpunta n’yo ngayong hapon and we’re so grateful for your help na ma-spread ‘yung word na sa sinehan nga tayo ipalalabas,” pahayag pa ni Janine sa harap ng piling members ng media na dumalo sa press preview ng Ngayon Kaya sa SINE POP sa St. Mary Street sa Cubao, Quezon City noong June 1 ng hapon.

And iyon, ‘yun talaga ‘yung wish ko ngayong buwan ng June, na I hope people come out and see it in cinemas,”ang nakangiting dagdag na sinabi pa ni Janine.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Ngayon Kaya sa June 22.    

Bukod kina Janine at Paulo, tampok din sina Donna Cariaga, Alwyn Uytingco, John James Uy, at Rio Locsin.

Magkatuwang na produksyon sa Ngayon Kaya ang T-Rex Entertainment at WASD Films kabilang si Paulo as producer, sa direksiyon ni Prime Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …