Monday , July 4 2022
Bugoy Cariño EJ Laure baby

Bugoy aminadong naisip ipalaglag ang anak

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Bugoy Carino sa vlog ni Karen Davila, inamin niya na sumagi sa isip niya na ipalaglag noon ang batang nasa sinapupunan ng nobyang  si EJ Laure, na isang varsity player. Natakot kasi siyang maapektuhan ang kanyang showbiz career kung malalaman ng publiko na buntis iyon. 

Noong panahong iyon, ay 16 lang si Bugoy, habang 21-anyos naman si EJ.

“Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang ‘yung baby. Parang bata pa ko noon, hindi ko alam na buhay pala ‘yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something,” pag-amin ni Bugoy. 

Patuloy niya, “Sabi ko sa sarili ko, o sige para lang mabalik ‘yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para maibalik ‘yung mga show na ibinigay sakin. ‘Yung tiwala sa ‘kin ng ABS. Sige, ipalaglag na lang.”

Ngunit makalipas ang isang linggo, napagtanto ni Bugoy na para na rin siyang pumatay ng tao kung ipalalaglag nila ang kanilang anak.

“Kapag ipinalaglag ko pala ito, parang ito ‘yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” anang aktor.

Ang isa pa sa nagpabago ng desisyon ni Bugoy na ipalaglag ang bata ay nang makausap niya ang ama na nasa Saudi Arabia dahil sa ipinaalala nito sa kanya.

“‘Bunso, ‘pag ‘yan ipinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. ‘Pag ‘pinalaglag mo ‘yan, ‘di ka tunay na lalaki,’” sabi ng kanyang ama. 

Kaya malaki ang pasasalamat ni Bugoy sa ama dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang pagbubuntis ni EJ.

About Rommel Placente

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …