Saturday , November 23 2024

680 sakong resin pellets hinaydyak ng driver, pahinante

ARESTADO ang isang truck driver at pahinante sa paghaydyak sa 680 sakong resins pellet na sangkap sa paggawa ng plastic materials, makaraang salakayin ng mga awtoridad ang isang maliit na bodega sa bahagi ng Canumay East, Valenzuela City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Romar Palabrica, 31, truck driver, at Arnold Arellano, 27, truck helper, kapwa residente ng Sitio Hilltop, Simiong, Batangas City.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, may natanggap silang report na isang Fuso 10 wheeler truck na may kargang plastic ingredients, ang hinaydyak ng apat armadong kalalakihan sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Ngunit lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kasabwat ng nasabing driver ang sinasabi niyang apat na hijackers na tumangay sa kanyang minamanehong truck. Ang kargamento ay nabatid na dinala sa isang bodega na pag-aari ng isang Jay Cayanan na mabilis na nakatakas.

Lalong tumibay ang hinala ng pulisya nang aminin ng nasabing pahinante na ang kasama niyang  driver ang may pakana sa paghaydyak.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang driver ng truck at ang kanyang pahinante, gayondin ang sinasabing apat na hijackers na hindi pa nakikilala.

About Daisy Medina

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *