Sunday , December 22 2024

Galing sa reunion party, estudyante kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kondisyon ng isang 21-anyos college student makaraan pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan habang pauwi mula sa dinaluhang reunion party kahapon ng ma-daling-araw sa Paco, Maynila.

Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital ang biktimang si Michael Planada, ng 1181 Int. 30, Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila, tinamaan ng saksak sa leeg at likurang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Cristanto Celestial ng Manila Police District-Police Station 6, dakong 2:45 a.m. nang maganap ang insidente sa Pedro Gil at Santiago streets, Paco.

Kasama ng biktima ang kanyang high school classmates at naglalakad sa lugar nang mapadaan ang isang pampaherong jeep na hindi naplakahan, patungong Sta. Ana.

Nagkasigawan ang kalalakihang lulan ng jeep at grupo ng mga biktima na nagresulta sa palitan ng maaanghang na salita.

Pagkaraan ay huminto ang jeep, bumaba ang mga lalaki at sinugod ang grupo ng mga biktima.

Isa sa mga suspek ang mabilis na dumakma sa biktima at inundayan nang sunod-sunod na saksak.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na sumakay ang mga suspek sa jeep saka humarurot patakas.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *