Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, babalik daw bilang mayora ng Lipa

 

021615 Vilma Santos

00 fact sheet reggeeHULING termino na pala bilang gobernadora ng Batangas ni Ms Vilma Santos-Recto at hanggang ngayon ay wala pa siyang sinasabi kung tutuloy siya sa kongreso o sa senado.

At ang malakas na ugong ay babalik sa pagka-Mayor sa bayan ng Lipa si Ate Vi.

Ito ang tsika sa amin ng kaibigang taga-Lipa kamakailan.

“Gustong-gusto siya ng mga taga-Lipa, sa lahat kasi ng naging mayor, si Ate Vi ang may maraming nagawa, may pinakamagandang nagawa sa probinsiya namin. Sobrang hands on siya sa lahat ng project, nakikita nga namin siya sa kalye,” kuwento sa amin ng kababayan ni Governor Vilma.

Tanda namin noong nabubuhay pa ang assistant ni Ate Vi na si Ate Aida Fandialan ay isa kami sa nakasamang mag-interbyu sa Star for All Seasons at natanong namin noon kung anong plano niya sa 2016.

Wala pa raw plano si Ate Vi dahil ang prioridad niya ay tapusin ang ikatlong termino bilang gobernadora ng Batangas.

At ngayong patapos na ang termino ni Governor Vilma, ano na kaya ang plano niya?

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …