Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco Martin, ani Aljur Abrenica.

Sa isang interview ni Aljur, sinabi nito na mas nakila niya ang sarili nang makasama niya sa proyekto si Coco kaya naman nagpapasalamat ito saactor dahil sa pagbubukas sa kanya ng pinto para masubukan ang pag-aaksiyon.

Unang nakasa ni Aljur si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano na gustong-gusto niyang gawin.

Tsika nga nito, “Being around him is naging blessing siya sa buhay ko.”

Pinuri rin nito ang husay bilang action star ni Coco, kaya naman malaking karangalan  ang makatrabaho ang actor.

Muling nagkatrabaho ang dalawa sa Batang Quiapo na ginampanan ni Aljur ang karakter ni Hector Victorino.

Pinatay na ang karakter niya matapos paulanan ng bala ni Tanggol (Coco).

“As always, kapag nakakatrabaho kayo lagi pong may milestone na pagbabago, lalong-lalo na sa pagiging artista.

“Hindi lang sa pagiging aktor kundi sa mga personal na mga bagay pa.

“Naniniwala ako na deserve niya ang lahat ng blessings na napupunta sa kanya (Coco).

Sobrang happy si Aljur na maging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano at Batang Quiapo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bree Barrameda Hell University

“Hell University,” buwena-manong project ng magandang newbie na si Bree Barrameda

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG project ni Bree Barrameda ang “Hell University,” na mapapanood na sa …

Aga Muhlach Andres Muhlach

Aga kitang-kita pagka-proud kay Andres sa Bagets, The Musical

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAY gandang pagmasdan sa stage ng mag-amang Aga Muhlach at Andres Muhlach during the pilot …

Willie Revillame Wilyonaryoc Jacket

Willie muling kinakitaan paninita sa mga katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBABALIK-TV na nga si Willie Revillame dahil nag-umpisa na ang pag-ere ng Wilyonaryo sa wilyonaryo.com,  hindi …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …