Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Morally Jockey Alvarez grand slam Metro Turf Prince Cup
1. INUNGUSAN ng kabayong si Morally (No. 8) sakay si Jockey Mark Alvarez na nagtala ng 1:38 segundo sa tinahak na 1, 600 meter sa pagsungkit ng panalo sa karibal na kabayong si Anytime, Anywhere (No. 3) sa inilargang 3rd Leg Prince Cup. 2. HUMULAGPOS ang kabayong si Varatti (No. 2) sa renda ni Jockey Jeffrill Zarate ng may 75 meter pa ang layo sa meta laban sa sumegundang kabayo na si No. 1 Sherbet Fountain dahilan para iwan ang kalaban at solong tumawid sa finish line sa ginanap na 2025 Metro Turf Club 3rd Leg Kings Gold Cup nitong Linggo sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Tanauan City, Batangas. Magkatuwang na iginawad ang mga tropeo nina (nasa likuran) Philippine Racing Commission (Philracom) commissioner Atty. Antonio Guray, chairman Reli De Leon, Anci Palma kay champion Jockey Jeffrill Zarate, Mike Royal,kumatawan kay Horseowner James Rabano at Horsetrainer Ramon Nartea. Ang Metro Turf ay pinamamahalaan ni racing manager Rondy Prado. (HENRY TALAN VARGAS)

Morally, Jockey Alvarez, grand slam sa Metro Turf Prince Cup

BINALEWALA ng tatlong taon na kabayo na si Morally ang malakas na ulan at maputik na track sakay si jockey Mark Alvarez upang itala ang kasaysayan bilang unang grand slam winner sa pagtatapos sa unang pagsasagawa Linggo ng 2025 Prince Leg Cup Metro Manila Turf Club (MMTCI) sa Malvar-Tanauan City, Batangas. 


Bahagyang napag-iwanan sa pagbukas ng meta si Morally, subalit unti-unti nitong nilampasan ang pitong kalaban sa pagpapakita ng kanyang bilis at lakas ng pagsikad tungo sa pagwawalis sa itinakdang tatlong leg na karera sa layo na 1,600 metro. 


“Magaling iyung kabayo,” kuwento lamang ni jockey Mark Alvarez, na naghahangad na maging Jockey of the Year. “Alam niya kung kailan siya hahaltak sa laban. Kabisado din niya kung kailan ko siya gustong humila at kahit medyo napag-iwanan kami ay nagawa pa rin namin manalo,” sabi pa nito. 


Inungusan ni Morally, na itinala ang 1:38 segundo sa pagsungkit sa pangatlong sunod na panalo, ang mga karibal na sina Anytime, Anywhere at Candy and Wine sa karera na may garantiya na P2,250,000 para sa kampeon. 


Ito ang unang pagkakataon na isinagawa ng MMTCI ang karera na may tatlong yugto ang Dr. Norberto Quisumbing Trophy race, 3rd Leg Prince Cup at 3rd Leg Kings Gold Cup.
Samantala’y nagwagi naman si Caloocan Zap sa Dr. Norberto Quisumbing Trophy race, kasunod si Modern Stroke at California King. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …