Thursday , August 14 2025
Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic
NASA larawan ang mga nagwagi sa elite men's division, Takuto Oshima (gitna, Gold) ng Japan , Daryn Konysbayev (Silver) ng Kazakhstan, Ryousuke Maeda (Bronze) at pang apat at panglima sina Ryoya Tamazaki at Kenshin Mori lahat ng Japan sa ginanap noong Sabado (Mayo 3) na 2025 Subic Bay International Triathlon (SuBIT) - NTT AST Subic Bay Asia Cup sa Subic Freeport Zone sa Olongapo City. Iginawad ang mga medalya nina Balwant Singh Kler (dulong kaliwa), Lifetime member of the Asian triathlon federation at chairman Tom Carrasco Jr. (dulong kanan), ng Triathlon Philippines at senior vice president Asia Triathlon. Nagwagi ng ginto si Manami Hayashi matapos magtala ng oras na 2:04:58. women’s elite race category. (HENRY TALAN VARGAS)

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic Bay International Triathlon (SuBIT) – NTT AST Subic Bay Asia Cup sa kabila ng matinding init sa Subic Freeport Zone nitong Sabado.

Nasungkit ni Takuto Oshima ang kampeonato sa men’s division ng karerang binubuo ng 1.5km (swim), 40km (bike)n, at 10km (run)na sa oras na 1 oras, 50 minuto at 25 segundo.

Nakamit ni Daryn Konysbayev ng Kazakhstan ang pilak (1:50:52), habang si Ryousuke Maeda ng Japan ang tumapos sa ikatlong pwesto para sa tansong medalya (1:51:16).

Si Oshima, 19 taong gulang, ay kasapi ng pambansang koponan ng Japan.

Kapwa Hapones na sina Ryoya Tamazaki (1:51:53) at Kenshin Mori (1:52:05) ang nagtapos sa ikaapat at ikalimang pwesto, na bumuo sa malakas na performance ng Team Japan.

Sa women’s elite race, nagwagi si Manami Hayashi matapos magtala ng oras na 2:04:58.

Ang mga Koreana na sina Park Gayeon at Jeong Hye Rim ay nagtapos sa ikalawa at ikatlong pwesto (2:06:25).

“Napakainit ng panahon pero masaya ako na nanalo ako,” sabi ng 20-anyos na si Hayashi, na nagtapos sa ikalimang pwesto noong nakaraang taon.

“Babalik ako sa susunod na taon,” dagdag pa ng triathlete mula Nagoya.

Nakuha ni Hayashi ang pilak sa mixed relay sa Asia Triathlon Sprint Championships sa Hong Kong noong nakaraang buwan. Pumang-apat siya sa women’s elite category.

Samantala, sina Diego Dimayuga at Pio Mishael Latonio ng Get Coach’D Academy at si Miharu Oka ng ASkyoto ang nangibabaw sa kani-kanilang kategorya sa 13-15 taong gulang na division.

Ang mga nanalo sa Super Tri-Kids division ay sina:

Luke Rozeboom (Boys 11-12)

Naomi Dimayuga ng Get Coach’D Academy (Girls 11-12)

Gabriel Tapuro ng Team Megawide (Boys 9-10)

Pia Gienne Meiko Gito ng Sante Barley (Girls 9-10)

Eli Julian Dela Cruz ng Team Megawide (Boys 7-8)

Stacey Ailia Aisha Escala (Girls 7-8)

Ruan Azriel Santos ng Olongapo Junior Trackers Multisports (lalaki 6-pababa)

Francesca Bader Mendoza (babae 6-pababa)

Ang nangungunang tatlo sa Super Sprint (Legends Men) ay sina Hiroshi Takei, Noel Salvador, at Miguel Antonio Lopez.

Ang kaganapan ay inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines sa pamumuno ni chairmanTom Carrasco Jr.  at sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority at  itinaguyod ng Philippine Sports Commission, Century Tuna, Sante Barley, Tri Hard, Gatorade, MILO, FUNtastic Subic Bay, Subic Bay Travelers Hotel & Event Center Inc. at Fitbar Philippines. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …