Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist.

Sa isang makasaysayang grand rally na ginanap sa Pangasinan, aktibong lumahok si Coco sa motorcade kasama ang first nominee na si Brian Poe at second nominee na si Mark Patron, bilang patunay ng kanyang suporta sa adbokasiya ng partylist.

Sa nasabing pagtitipon, sinabi ni Coco Martin, “Nandito ako para tulungan sila dahil ako mismo nagsasabi sa inyo, itong mga taong ‘to, sila ang tutulong sa inyo. Sinimulan ni FPJ, sinimulan ni Susan Roces, at ngayon, ipinagpapatuloy ni Grace Poe at ni Brian Poe. Kaya hinihiling ko po sana sa inyong lahat na sa darating na eleksiyon, sana po suportahan natin ang FPJ [Panday Bayanihan] Partylist.”

Ipinakita ng kanyang mensahe ang patuloy na malasakit ng Pamilyang Poe para sa mga Filipino at ang kanilang tapat na paglilingkod.

Binigyang-diin ni Coco ang matagal nang pagtulong ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mga komunidad, aniya, “Hindi pa man po sila tumatakbo, hindi pa man po nila naiisip na pasukin ‘to, tumutulong na sila. Si FPJ, mula noong kabataan niya, nagbinata siya hanggang nagkaedad siya, tumutulong na siya sa lahat ng mga Filipino na hindi nagsasalita, hindi ipinagyayabang, at hindi ipinaalam sa maraming mga Filipino.

“Ngayon, na nandito ang FPJ [Panday Bayanihan] Partylist, sana po tulungan po natin sila, tulungan po natin sila para tulungan po tayong mga Filipino.”

Layon ng kanyang panawagan na hikayatin ang publiko na bumoto para sa partylist na tunay na naglilingkod at nagbibigay ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga Filipino.

Nagpahayag ng pasasalamat si Brian Poe, “Mga kasama sa pag-iikot ko, talagang napakainit ang pagtanggap sa akin basta tayo ay nasa Pangasinan. Kaya ang concert na ito ay talagang pasasalamat po dahil habang nag-iikot ako, ikinukuwento ninyo sa akin ang kuwento ni FPJ, ang mga nagawa niya para sa taongbayan dito, at ang mga pangarap niya para sa bayan natin. Tayo, lahat tayo rito, tayo na ang magtutuloy po sa legasiya ni FPJ.”

Damang-dama ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa suporta ng mga Pangasinense.

Sa pagtatapos ng programa, muling ipinahayag ni Coco Martin ang kanyang buong pusong suporta para kina Brian Poe at sa FPJ Panday Bayanihan Partylist.

Naniniwala si Coco na tunay nilang maipagpapatuloy ang magandang pamana ni FPJ. Binanggit niya ang kanilang dedikasyon sa integridad, tapat na serbisyo, at pakikinig sa boses ng taongbayan.

Hinikayat niya ang lahat na magkaisa at suportahan si Brian at ang partylist, na aniya’y may kakayahang buuin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Filipino—tulad ng ginawa ni FPJ habang siya’y nabubuhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …