Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano FIVB Mens Volleyball

2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship  
Cayetano: ‘Spike’ sa ekonomiya ang volleyball hosting ng bansa

MALAKI ang potensyal ng sports tourism para sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Alan Peter Cayetano, na naghayag na isa sa mga tampok na aspeto ng pagho-host ng Pilipinas sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship sa Setyembre ay hindi lamang ang kasabikan ng madla sa pagdating ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa kundi pati na rin ang pang-ekonomiyang benepisyong hatid nito.

“The not-so-hidden agenda is the monetizing and business side — merchandising, and making the artists feel that they are worth it,” wika ng senador sa press launch ng torneo para sa mga music partner at ambassador nitong March 4, 2025 sa lungsod ng Taguig.

Bilang bahagi ng Local Organizing Committee para sa torneo, sinabi niya na maaaring malaki ang bahagi ng ekonomiya ang sports tourism at mismong ang sport na volleyball – na kasalukuyang isa sa pinakasikat na laro sa bansa.

Pinahalagahan din niya ang pangangailangan na i-maximize ang mga benepisyong makukuha ng bansa sa pagho-host ng mga torneo para sa kapakanan ng mga manlalaro, coach, trainer, at mga komunidad.

“Imagine if every center of sports — whether it’s Rizal Memorial Stadium here in Manila, whether it’s Clark City Sports Hub, Biñan Stadium —could fill its calendar with events. What if quarterly, there were regional, world, or Southeast Asian tournaments? The money and livelihood generated would be huge,” paliwanag niya.

Binigyang diin din niya ang pagsiguro na magiging sustainable ang sistema sa pagkakaroon ng patas na sweldo para sa lahat – mula sa mga star player na kumikita ng malaking sahod hanggang sa mga staff na madalas ay kumikita lang ng minimum wage.

“We need to show that volleyball, and sports in general, can be a viable career path,” sabi ng senador. 

“This means paying players and staff fairly and attracting sponsors and commercial teams to invest in the industry. It’s not just about basketball or noontime shows—volleyball and other sports deserve the same level of support and recognition,” dagdag pa niya.

Umaasa si Cayetano na magiging mitsa ang tagumpay ng FIVB upang maenganyo pa ang ibang international na torneo na ganapin sa bansa. 

“I hope it inspires baseball, football, swimming, table tennis, all the other things… to have regional and world championships in the Philippines,” wika niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …