Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Honey Lacuna
Honey Lacuna

Tao ni Lacuna niratrat ng bala sa Tondo, patay

MAHIGPIT na inatasan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan si Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay na agarang busisiin at resolbahin  ang ginawang pamamaril at pagpaslang sa  isang empleyado ng Office of the Mayor,  Manila City Hall, naganap noong Lunes ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa pahayag ni Lacuna, sa pagdalo sa ginanap na pulong balitaan ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) sa Harbor View, kinilala ang biktimang si Beloy Ocampo.

Inamin ni Lacuna na malapit sa kanya ang biktima na empleyado ng Manila City Hall bilang sound system technician sa mga aktibidad sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Kaugnay nito, maagap na nagbigay ng direktiba si Lacuna  kay Ibay na alamin kung ano ang motibo at kung sino ang salarin sa pagpatay sa biktima.

“Naka-assign siya sa DPS pero sa Office of the Mayor siya nagtatrabaho, malapit siya sa akin, nakarating lang sa akin ang nangyari pero hindi ko pa alam ang buong pangyayari kaya inatasan ko si Gen. Ibay na resolbahin ito at all cost,” dagdag ni Lacuna.

Nabigo ang mga mamamahayag na makakakuha ng impormasyon sa pagkamatay ni Ocampo hanggang sa kasalukuyan.

Base sa impormasyon, pinagbabaril sa iba’t bang bahagi ng katawan ang biktima at sinabing pito ang tumama sa bahagi ng mukha at isa sa ulo

Nabatid na namatay noon din ang biktima at mabilis na tumakas ang gunman.

Kasalukyang nagsasagawa ng backtracking sa mga CCTV footage ang pulisya at iniimbestigahan ang motibo sa krimen. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

Norzagaray Academy batch ‘68 Class Reunion and Homecoming

MAGDARAOS ang Batch ‘68 ng Norzagaray Academy ng kanilang ika-58 Class Reunion and Homecoming sa …