Friday , November 22 2024
shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa pampublikong lugar na madidiskubreng may dalang P34,000 halaga ng shabu matapos suntukin ang pulis na sumita sa kanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Art 148 of RPC (Direct Assault) at paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naarestong suspek na kinilalang si alyas Michael, 46 anyos, residente sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Police Sub-Station 1 Commander P/Capt. Ronald Malana sa kahabaan ng West Service Road, Brgy. Parada, natiyempohan nila ang suspek na umiihi sa pampublikong lugar dakong 4:00 ng hapon.

Dahil paglabag ito sa umiiral na ordinansa ng lungsod, nilapitan siya ni P/SSgt. Maniling para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ngunit imbes makinig ay biglang sinuntok ng suspek ang pulis saka tumakbo.

Tumulong sa paghabol si P/SMSgt. Jigger hanggang maaresto nila ang suspek at nang kapkapan, nakuha sa kanya ni P/SSgt. Maniling ang isang pouch na naglalaman ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 5 grams at may katumbas na halagang P34,000. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …