Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV5 Red Ball Lighting

Feel na Feel ang Paskong Kapatid sa Red Ball Lighting ng TV5

PUNO ng excitement at holiday cheer ang opisyal na pagdedeklara ng TV5 sa pinakamasayang Paskong Kapatidsa ginanap na symbolic Red Ball Lighting ceremony sa TV5 Media Center, Mandaluyong noong Oktubre 6.

Ang pag-ilaw ng iconic Big Red Ball ay pagsisimula ng holiday celebrations ng Kapatid Network at sumisimbolo sa commitment nitong magbigay ng mas magandang content at serbisyo. Kaya naman ngayong Pasko ay bibigyang diin ng TV5 ang MAS sa ‘Christ-MAS’ sa pamamagitan ng “MAS malawak na reach,” “MAS malinaw na panonood,” MAS maraming artista,” MAS dekalidad na palabas at programa,” “MAS damang alaga at mga sorpresa para sa mga Kapatid,” para MAS dama ang Pasko ngayong 2023.

Ang ideang ito ay mas mararamdaman sa 2023 Christmas campaign ng TV5 na “FEEL na FEEL ang PASKONG KAPATID” na pasisinayaan sa makahulugang red ball lighting. Sa campaign na ito, inaasahang mas magiging immersed at involved ang mga Kapatid, at mas madadama ang ‘best feelings of Christmas.’

“It has always been our priority to ensure our viewers’ enjoyment as we continuously improve our programming to provide them with the best TV viewing experience possible,” saad ng TV5 President at CEO na si Guido R. Zaballero

“We continue to innovate and get better, kaya mas masaya ang panonood sa TV5. This Christmas season, we celebrate, feel, and savor all the best that we are able to bring to every Filipino home.” dagdag nito.

Humanda na para sa next-level na holiday experience. Inaanyayahan ng TV5 ang lahat na puntahan ang iconic Red Ball sa Mandaluyong para magpa-picture at humanda para sa mas marami pang sorpresa at papremyo ng TV5 para sa mga Kapatid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …