ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal.
Kahapon nagsagawa ang Las Piñas city government ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente sa lungsod.
Sa pangunguna ng City Health Office ay nagkaloob ng libreng TB screening at health services sa mga Las Piñeros sa Aguilar Sports Complex, Barangay Pilar dakong 8:00 am hanggang 12:00 ng tanghali.
Dumating sa lugar ang Lab Your Lungs van ng lokal na pamahalaan upang magkaloob ng libreng chest X-ray sa mga residente.
Bukod dito, nakatanggap ang mga Las Piñeros ng libreng sugar check at cholesterol check.
Bahagi ito ng tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan na handog nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang buong konseho ng lungsod. (GINA GARCIA)