Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB
MTRCB

MTRCB aaksiyonan wardrobe malfunction

PINAALALAHANAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto-Antonio kamakailan ang lahat ng Television (TV) Networks, Blocktimers, Program Producers, at Distributors na tiyaking ang mga suot ng mga talent ay ligtas at angkop sa performances. 

Inilabas ng MTRCB ang Memorandum bunsod ng magkakasunod na wardrobe malfunctions na namataan ng ahensiya sa ilanglive TV programs.

Binigyan-diin ni Sotto-Antonio na ang MTRCB ay, “kumikilala sa aksidente ng wardrobe malfunction pero ang MTRCB Board ay mariing nagpapaalala sa mga stakeholder na doble-ingat sa gitna ng madalas na pagkasira ng wardrobe ng ating mga performer at talent. 

“Binabalaan ang lahat na sakaling maulit ang mga kahalintulad na sakuna ay lalapatan ng mas mabigat na parusa,” aniya.

Ayon sa Section 8, Chapter V ng Implementing Rules and Regulations of the Presidential Decree No. 1986, ang mga live television programs tulad ng noontime variety shows at talk shows, ay kinakailangang mag-superimposeng katagang Parental Guidance (PG)sa TV screensa buong airing ng programa. 

Ang superimpositionng naturang ratingay bilang paalala sa mga magulangatTV stakeholder na maging mapagmatyag at mabigyan ng pansin angcontentna maaaring hindi angkop sa mga kabataan, lalo na angmga programa sa telebisyonnaumeere ng live.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …