Dalawa na sinasabing drug peddlers ang arestado ng mga awtoridad at humigit-kumulang sa 100 gramo ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Hermosa, Bataan, kamakalawa.
Magkasanib na mga operatiba ng Hermosa MPS, PPDEU Bataan at 1st PMFC Bataan ang nagkasa ng buy bust operation sa Brgy. Culis, Hermosa, Bataan na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang personalidad na nasa watch-listed na kinilalang sina Florencio Malicdem at Marissa Reyes.
Nakumpiska mula sa dalawa ang isang small-sized na pakete ng plastic at dalawang knot-tied plastic bags na kapuwa naglalaman ng pinaghihinalaang shabu may timbang na humigit kumulang sa 100 gramo at tinatayang may halagang Php680,000.00, at Php1,000 marked money na ginamit sa operasyon.
Kaugnay nito ay pinapurihan ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo ang kanilang tropa sa isinagawang mahusay na trabaho na aniya pa ay nagpapakita ng kanilang matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga na nakabase sa BIDA Program ng DILG,.(Micka Bautista)