Friday , December 27 2024
PRC Physician Doctor Medicine

Mula sa PhiSci – Western Visayas Campus <br> UPCM INTARMED magna cum laude nanguna sa Oct 2022 PLE

NANGUNA ang isang Ilonggo sa Physician Licensure Examination (PLE) na ibinigay ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Oktubre.

Sa markang 89%, pinangunahan ni Justin Adriel Zent Gautier Togonon mula sa lungsod ng Iloilo ang listahan ng mga bagong doktor na nakapasa sa pagsusulit.

Si Togonon ay nagtapos na magna cum laude sa UP Manila’s Integrated Liberal Arts in Medicine (INTARMED) program.

Ang INTARMED ay isang programa sa unibersidad na hindi daraan sa regular na kolehiyo 0 pre-med courses, sa halip ay magsisimula agad ng medical studies sa ilalim ng seven-year curriculum.

Samantala, panglima rin sa talaan ng mga pumasa sa PLE ang isa pang Ilonggong si Mark Arlo Hernandez Segundo na may markang 87.58%.

Nagtapos si Togonon sa Philippine Science High School – Western Visayas Campus bilang valedictorian, at ng elementarya sa Children’s Integrated School of Alta Tierra, parehong sa naturang lungsod.

Si Segundo ay nagtapos sa College of Medicine ng West Visayas State University (WVSU), sa lungsod din ng Iloilo.

Pangwalo ang WVSU sa top performing schools sa pagsusulit na nakakuha ng 85% passing percentage o 99 ang pumasa mula sa 111 na kumuha ng licensure test.

         Ang iba pang kasama sa PLE Topnotchers ay sina 2nd Francesca Marie Abu Lagrosa (88.75 %) UPCM; 3rd  Karla Joyce Saavedra Badong (88 %) Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM); 4th Kim Zapatos Sia (87.67 %) University of Sto. Tomas (UST); 5th Gamaliel Pulpulaan Galigao (87.58 %) University of the East – Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UE-RMMMC); at Mark Arlo Hernandez Segundo (87.58 %) West Visayas State University – La Paz; 6th Christian Joseph Barrion Cruzado (87.50 %) Far Eastern University – Nicanor Reyes Memorial Medical Foundation (FEU-NRMMF) at Sonny Cabahug Redula (87.50 %) Cebu Institute of Medicine; 7th Neill Steven Cainglet Cachuela (87.42 %) UST, at Trisha Marie Ramos Galapon (87.42 %) UPMC; 8th Anna Patricia Añonuevo Bartolome (87.25 %) Our Lady of Fatima University (OLFU) Valenzuela, Christopher Tabora Pilarta (87.25 %) UPMC, Randy Franz Gubantes Selim (87.25 %) St. Luke’s Medical Center College of Medicine – William H. Quasa Memorial Inc., at Keith Alexis Kim Wangkay (87.25 %) UE-RMMMC; 9th Christian Jerell Salvacion Cosme (87.17 %) UST; 10th David Marco Abaya Bildan (87.08 %) UE-RMMMC, Mark Johnuel Matabilas Duavis (87.08 %) University of Cebu College of Medicine Foundation Inc., – Mandaue, Christine Bernadette Orfano Lo (87.08 %) UPMC, at Hannah Leian Herrera Tan (87.08 %) Davao Medical School Foundation.

Ayon sa PRC 3,826 ang nakapasa sa 5,958 kabuuang bilang ng mga kumuha ng PLE na ibinigay ng Board of Medicine sa Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Itinala ang Angeles University Foundation bilang top performing school matapos pumasa ang lahat ng 51

PLE takers.

Kabilang sa Board of Medicine na nagbigay ng licensure examination ay sina Dr. Godofreda V. Dalmacion, chairman; at mga miyembrong sina Dr. Eleanor B. Almoro, Dr. Zenaida L. Antonio, Dr. Martha O. Nucum, Dr. Efren C. Laxamana, at Dr. Joanna V. Remo.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …