Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa larangan ng showbiz.

Pangarap niya talaga ang maging isang singer mula noong bata pa, at way back 2019 nagsimula siyang sumali sa mga pageant sa kanilang paaralan, dito’y nanalo siya bilang 2nd Runner Up Princess. Noong 2020 naman, nanalo si Euriz bilang Ms. Wisdom 2020 sa kanilang paaralan.

Sa ngayon, siya ay sumasali sa mga workshop at kasalukuyang aktibo sa pagpapahusay ng kanyang talento sa pagkanta, pag-arte at sa modeling.

Ang naka-discover sa kanya ay ang kanyang talent manager na si John Rey Malto. Nag-audition na rin siya sa GMA Artist Center, ABS-CBN at TV5, sa pamamagitan ng kanyang talent manager.

Una siyang nakita sa television sa TV5 – Lunch Out Loud PH, Buwayartista. Dito rin siya nakitaan ng potential at nakapasok sa grandfinalist sa TV5. Nakasama na rin siya sa mga shortfilm at isa rin sa mga bumibida or lead artist dito.

Ayon kay John Rey, “Nakitaan ko siya ng star quality pagdating sa looks, at alam naman natin na ito ay kailangan ng isang artist kung papasukin ang showbiz, lalo’t siya ay may mala-angelic at charming face. Si Euriz ay complete package pagdating sa talent, dahil magaling kumanta, umarte, at sumayaw.”

Ngayon, ay handa na si Euriz na pagtuunan nang pansin ang kanyang inumpisahang pangalan sa mundo ng showbiz.

Kaabang-abang ang first single ni Euriz titled Tangi, na siya rin ang nag-compose. Ito ay tungkol sa matinding emosyong nararamdaman ng dalawang taong nag- iibigan. Ipinapahayag din ng kanta ang wagas na pagmamahalan at kaligayahang nararanasan ng dalawang taong nagmamahalan na pakiramdam nila ay wala nang natitira sa mundo kundi sila na lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …