Saturday , November 16 2024
gun dead

Sa Candaba, Pampanga
INA AT AMA PINATAY NG ANAK NA ADIK

ni Micka Bautista

NATAGPUAN ng mga residente ng Brgy, Mapaniqui, Candaba, Pampanga ang dalawang duguang bangkay – isa sa bakuran at isa sa terasa ng isang bahay –  nitong Lunes ng madaling araw, 30 Mayo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Candaba MPS nang humingi ng tulong ang mga kapitbahay ng mga biktima na nakakita sa mga bangkay na napag-alamang mag-asawa.

Nabatid na nasa edad 63 at 7 anyos ang mag-asawa na kauwa may tama ng bala sa ulo at may mga duguang tipak ng bato sa tabi.

Ayon kay P/Col. Karen Clark, hepe ng Candaba MPS, ang itinuturong suspek ay ang mismong panganay na anak ng mag-asawa kung saan inabutan pa ng mga rumespondeng pulis na nasa loob ng bahay kaya agad na naaresto.

Sa pagtatanong ng pulisya sa mga kaanak ng mga biktima, napag-alamang dalawang beses nang ipinasok sa rehabilitation center ang suspek dahil sa pagkakalulong sa ilegal na droga.

Plinano pang muli ng mga biktima na ipasok sa rehabilitation center ang anak na ayon sa pulisya ay maaring dahilan kung bakit pinatay ng suspek ang sariling mga magulang.

Ayon sa mga kaanak, may mga insidenteng pumapatay ng mga alagang hayop, tulad ng mga bibe, kapag gumagamit umano ng ilegal na droga ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong dalawang bilang ng kasong parricide.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …