Friday , November 22 2024
USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYAN
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral at kaibigan,

Para sa inyong kaalaman, ako po ay hindi nagbabago. Ang buod ng aking katauhan at paniniwala ay pareho pa rin. Aaminin ko na talagang naging kagulat-gulat ang aking mga huling pasya pero ito ay bunga ng mahabang pagninilay.

Marami sa mga lumang paniniwala na akala ng karamihan sa inyo, lalo ng mga dating kasama, ay aking patuloy na isinasabuhay ay matagal ko nang isinuka. Walang pagbabagong mangyayari sa ating bayan kung patuloy nating panghahawakan ang lumang pagsusuri, paniniwala at kung atin pa rin susuportahan ang mga indibidwal na neoliberal at kanilang paniniwala sa ngalan ng dilawang demokrasya.

Ang mga neoliberal, halimbawa tulad ng pamilyang Aquino at ni VP Leni Robredo, ang masugid sa pagsusulong ng neoliberalismo. Kaakibat nito ang matinding privatization ng pamahalaan dahilan para mawalan ng proteksiyon ang taong bayan sa panghihimasok ng mga dayuhang korporasyon. Ang mga ganid na korporasyong ito ang ugat nang pagtaas ng halaga, kundi man tuluyang kawalan ng mga gamot, pagkain, langis, edukasyon, pabahay, pagkalingang pangkalusugan at marami pang iba.

Malinaw sa akin na ang aking pasya ay hindi kabuuang tugon sa malalim na problema ng bayan, sa kanser ng lipunan na panahon pa ni Rizal ay tinatalakay na. Pero sa palagay ko ito’y ang tamang unang hakbang para makapagmulat tayo ng mas nakararami sa ating lipunan gamit ang kaisipang batay sa ating kultura at kapaligiran. Aminin natin na batay sa estado ng mga kilusan ngayon at kawalan ng kakayahan na magpakilos ng laksa-laksa ay malayo na tayo sa taong bayan at ang nagdaang halalan ang patunay dito. Walang debate laban sa 31 milyong boto. Walang debate sa katotohanang wipe out kayo.

Kailangang humalaw ng bagong daan tungo sa paglaya, pinaglumaan nang panahon ang mga taktika at estratehiya na nakagisnan kung mayroon man. Itapon na ang doktrina ng dayuhan at yapusin natin ang  Ideolohiyang Filipino (FI). Bigyan natin ng pagkakataon at suportahan pero bantayan laban sa katiwalian ang nanalo sa nagdaang halalan.

Gawin natin ito alang-alang sa bayan. Mabuhay. 

Kasihan nawa tayo ng Diyos.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …