Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alvin Patrimonio

Alvin binilinan ng ina: ‘Wag magbago tulungan ang nakararami

MA at PA
ni Rommel Placente

TUMATAKBONG mayor ng Cainta ang PBA Superstar na si Alvin Patrimonio

Sa naganap na presscon para sa kanyang pagpasok sa politika, ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siya na tumakbong mayor sa nasabing lungsod.

Gusto ko lang pong mas lalong mapaganda at mapabuti ang aming bayan. Puwede naman po na ang isang basketball player ay manglingkod,” simulang sabi ni Alvin.

Ipinagdarasal ko po ito. Matagal na po kasi na may nag-i-invite sa akin to run for a public office. Kahit noong naglalaro pa lang ako,may nag-i-invite na sa akin na tumakbo. Sabi ko hindi ko pa po time.

“And ngayon po, maganda ‘yung timing po. From basketball arena to political arena naman.

“And ang talagang purpose ko po is to serve sa maraming tao. Kaya naging choice ko na rin po na pumunta sa larangan ng politika.”

Humingi muna ng basbas si Alvin sa kanyang ina bago tuluyang nagdesisyong tumakbo sa mayoralty race.

Siyempre una, humingi ako ng basbas sa nanay ko. Ang tatay ko kasi, wala na,eh.

“Alam ko hindi nila ako papayagan kasi sabi magulo ang politika. Pero ‘yung nanay ko, sabi ko, ‘Ma gusto ko  mas maraming matulungan.’

“Timing po, pandemic pa. Siguro ito ‘yung ibinigay na flatform para mas marami akong matulungan pa.

“’Yung pinayagan na ako ng nanay ko, last minute pumayag na rin siya. Sabi niya, ‘Huwag kang magbabago, anak. Alam ko, marami kang matutulungan.’

“Nagpaalam din ako sa wife ko, sa family ko. And si wife ko, isa siya sa nag-push sa akin na tumabko. At ‘yung son-in-law ko, silang dalawa ang nag-push sa akin na tumakbo, na pumunta sa ibang career.

“Mga anak ko, pumayag din. Alam nila na ‘yung lugan namin, ‘yung Cainta, marami pang i-impove na pipilitin ko na mas gumanda pa.

“Mga boss ko rin, nagpaalam ako. Hindi naman sila tumutol. Susuporta rin sila sa journey ko sa politics,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …