Friday , August 15 2025
Leni Robredo Kiko Pangilinan

Transport workers, commuters maghahatid sa Leni-Kiko tandem sa Malacañang

NAIS ng mahigit 30 grupo ng commuters at transport workers na ihatid sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa Malacañang.

Kabilang rito ang commuters pati ang mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan gaya ng jeepney, tricycle, bus, at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon.

Sa isang pahayag, sinabi nilang ang tambalang Leni-Kiko ang magbibigay sa mga Filipino ng makataong sistema ng transportasyon.

Sa sistemang ito ng Leni-Kiko tandem, sinabi nilang hindi maiiwasan ang 95 porsiyentong ordinaryong Filipino na walang pribadong sasakyan.

Tiwala sila, sa pamumuno nina Leni at Kiko, mayroong boses ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon at commuters, sa mga desisyon tungo sa biyahe para sa pagbabago.

“Ito ang totoong unity: pagkakaisa na hindi politiko ang sentro kundi ordinaryong mga mamamayan,” pahayag ng grupo.

Kabilang sa mga grupong sumusuporta sa Leni-Kiko tandem ang Piston, Commuters for Leni &  Kiko, Sentro, Move Metro Manila, Life Cycles, Akbayan Youth, Komyut, BIODMPC, Propel, National Confederation of Transportworkers’ Union at AltMobility PH. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …