Netizens kinikilig kina Jake Zyrus at GF Cheesa
MATABIL
ni John Fontanilla
KINILIG ang ilang netizens sa litrato ng Pinoy international singer na si Jake Zyrus, (Charice Pempengco) kasama ang kanyang Fil-Am partner na si Cheesa.
Sa nasabing larawan na ipinost ni Cheesa sa kanyang Instagram ay naka-topless si Jake kasama ang GF habang nasa swimming pool.
Ilan nga sa naging komento ng mga netizens ang sumusunod:
“You deserve to be happy”
“Cute couple.”
” beautiful couple.”
” support ko yung pagmamahalan na to , thank you cheesa sa pagmamahal sa aming Jake.”
