Wednesday , June 24 2026
Kathryn Bernardo

Kathryn masungkit kayang muli ang Best Actress sa FAMAS?

MA at PA
ni Rommel Placente

INANUNSIYO na ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang mga nominado para sa awards night nila na gaganapin sa August 22 sa Manila Hotel.

Ang last year na hinirang na Best Actress sa FAMAS na si Kathryn Bernardo ay nominado ulit para sa nasabing kategorya para sa pelikulang pinagtambalan nila ni Alden Richards , ang Hello, L,ove, Again.

Ang tanong, mag-back-to-back Best Actress kaya si Kathryn sa FAMAS o iba na ang papaboran ng mga miyembro ng nasabing oldest award-giving body?

Makakalaban ni Kathryn sa Best Actress category sina Marian Rivera (Balota), Julia Montes (Topakk), Rebecca Chuanunsu (Her Locket), Ara Mina (Mamay), at Judy Ann Santos (Espantaho).

Ang Best Actor nominees naman ay sina Dennis Trillo (Green Bones), Vice Ganda (And The Breadwinner Is…), Arjo Atayde (Topakk), Alden Richards (Hello, Love, Again), Kelvin Miranda(Chances Are, You And I), at Aga Muhlach (Uninvited).

Dalawang best actor trophy na ang naiuwi ni Dennis dahil sa mahusay niyang pagganap sa Green Bones. Una ay sa MMFF 2024, at ang ikalawa ay sa The EDDYS.

Siya rin kaya ang palaring magwagi sa FAMAS? ‘Yan ang ating aabangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …