Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DJ Mama Emma

Mama Emma emosyonal sa parangal ng Philippines Best

MATABIL
ni John Fontanilla

MEMORABLE para sa Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma ang parangal na ibinigay sa kanya ng  Philippines Best bilang isa sa Philippine Faces of Success 2020-2021 dahil ito ang kauna-unahang award na natanggap niya mula ng maging DJ siya.

Ayon kay Mama Emma, “Very memorable ang award na ito dahil ito ang first award ko bilang DJ, kaya naman nagpapasalamat ako sa Philippines Best sa karangalang ibinigay nila sa akin.

“’Di ko mapigilang maging emosyonal dahil sa tagal na rin ng journey ko bilang DJ  simula 2005 until now hindi ko inisip na mabibigayan ako ng award lalo’t napakaraming DJ na mahuhusay, kaya naman salamat talaga sa Philippines Best at kay Richard Hiñola.

“Sobrang nagpapasalamat din ako sa una kong pinagtrabahuhan bilang DJ sa IFM 93.9, Yes FM 101.1 at sa Love Radio 90.7 at lalong-lalo na sa tahanan ko na ngayon, ang Barangay LSFM 97.1, ang FM Radio Station ng GMA 7.

“Pasasalamat din ang gusto kong ipahatid sa mga big boss namin sa GMA 7, sa Barangay LSFM at sa DZBB 594.”

Magsisilbing inspirasyon kay Mama Emma ang kanyang award na natanggap para paghusayan pa ang kanyang trabaho.

Mapakikinggan si Mama Emma mula Lunes hanggang Biyernes sa DZBB 594 sa programang Dear Dobol B kapartner ang isa pang award winning DJ sa bansa na si Papa Marky mula 1:00 p.m.-2:00 p.m. at tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa Barangay LSFM 97.1 para sa programang Forever Request, 2:00 p.m.-6:00 p.m..

Kasabay na tumanggap ni Mama Emma sa  Philippine Faces of Success ang kanyang co-DJ  na si Janna Chu Chu (Radio Broadcasting) at ang Barangay LSFM 97.1 (Outstanding FM Radio Station of the Year), at DZBB 594 (Outstanding AM Radio Station of the Year).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …