Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista

Heart last serye na ang I Left My Heart in Sorsogon

HATAWAN
ni Ed de Leon

 “Baka nga ito na ang huli kong soap,” sabi ni Heart Evangelista, na ang tinutukoy ay ang tinatapos niyang serye sa telebisyon. Pero bago iyan, kaunting leksiyon muna tayo. Alam ba ninyo kung bakit ang mga serye ay tinatawag na “soap opera” o “soap”? Noong araw po, iyang mga seryeng drama ay nasa radyo. Wala pa namang TV noong araw. Lahat halos ng mga serye, ang sponsor ay sabon. May sabong panlaba kagaya ng Perla, Wheel, Tide at kung ano-ano pa. Ganoon din ang mga sabong pampaligo kagaya ng Lifebouy, Camay at iba pa. Hindi pa uso ang mga beauty soap noong araw. Likas pang magaganda ang mga tao noon.

Ngayon balikan natin si Heart. Masyadong maraming pinagkaka-abalahan si Heart. Nagpipinta siya. Ang daming kumukuha sa kanya bilang international model. Bukod doon ang dami ring offers sa kanya na mga international movies. Eh hindi niya magagawa iyan kung patuloy siyang gagawa ng “soap” na ang taping ay masyadong demanding.

Iyon na nga siguro ang dahilan kung bakit ayaw na muna niya ng soap.

Maraming nakalalampas na pagkakataon eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …