Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, male dance, Matrona, showbiz gay

Poging dancer tumanda, tumaba dahil sa pagpatol sa mga matron

KUWENTO sa amin ng isang kilalang showbiz gay, noong araw daw ay naging pantasya niya ang isang poging dancer na kasama sa isang sikat na all male dance group. Nagsimula raw siyang mag-ipon ng pera sa isang malaking bote bilang paghahanda sakaling magkaroon siya ng pagkakataon sa poging dancer.

Pero para siyang binagsakan ng langit nang makita niya ang poging dancer na hada-hada na ng isang matronang taga-showbiz din. Hindi siya makapaniwala noong una, dahil ang alam niya isang sexy male star, at isang male singer ang kulukadidang ng matrona, iyon pala pati ang crush niyang dancer ay nahala na rin noon.

Ang ending, naubos daw niya ang inipon niyang pera sa paglalasing dahil sa tindi ng frustration niya na naunahan pa siya ng matrona. Pero nagsisi rin siya pagkatapos, lalo na at naisip niyang ang naipon niya noon para sa poging dancer ay sobra pang ipang-downpayment sa isang bagong kotse ngayon.

Ang matindi pa, nang makita niya kamakailan ang dating poging dancer na pantasya niya, mukhang matanda na, mataba, at wala na ang makinis at poging mukha.

“Iyon ang napala niya sa pagpatol sa mga matrona,” sabi ng showbiz gay.

 (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …