Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Telephone Wires

6 lineman, 4 pa arestado sa nawawalang telephone wires (Sa Marilao, Bulacan)

NALUTAS ng mga awtoridad ang talamak na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Bulacan nang madakip ang anim kataong may pakana nito sa bayan ng Marilao.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Paul Ramireza, lineman, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte; Noel Ibarra, lineman, ng Brgy. Pag-asa, Obando; Eldrin Gamboa, helper, ng Deparo, Caloocan; Adrian Esteban, at John Russel Esteban, kapwa ng Brgy. Siling Bata, Pandi; at Roger Gonzales, ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria.

Naaktohan ng mga tauhan ng Marilao MPS ang mga suspek sa intensiyong nakawin ang telephone wires na naka-install sa bahagi ng M. Villarica Rd., Brgy. Tabing-ilog, sa nabanggit na bayan, na pag-aari ng RACITELCOM, Inc.

Una rito, may mga testigong nagbigay ng impormasyon sa nabanggit na kompanya ukol sa nagaganap na nakawan ng mga telephone wires sa nasabing barangay kaya maagap na umaksiyon ang mga tauhan ng Marilao MPS na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 200 pares ng telephone copper cable gauge 22, may habang 180 metro at tinatayang nagkakahalaga ng P630,000; dalawang lagaring bakal, dalawang hagdan; at puting Toyota Tamaraw FX na may plakang TCG 404 na ginagamit nilang get-away vehicle.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marilao MPS Jail habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …