Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal, Rider

Krystall Herbal products partner ng rider sa kalusugan ngayong panahon ng pandemya

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Magandang araw po sa inyo Sis Fely.

        Ako po si Renato Salvacion, 37 years old, taga-Valenzuela City, isang rider sa isang delivery network.

        Dati po akong nagtatrabaho sa business process outsourcing (BPO) pero nagsara ang kompanya namin dahil sa pandemya kaya ngayon ay pumasok ako bilang rider.

        Araw-araw po ay bagong pagsubok ang hinaharap ko sa trabahong ito, lalo ngayong pandemya. Bagamat buhay ang industriyang ito dahil marami ang nagpapa-deliver, e hindi maiiwasang matakot kami dahil sa nakahahawang CoVid-19.

        Sa awa at tulong ni Yahweh El Shaddai, ako po’y naniniwalang protektado niya, ka-partner ang Krystall herbal products lalo ang miracle oil na Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, at ang Krystall B1, B6, B12.

        Pagkatapos po ng aking maghapong trabaho, alam na po ng pamilya ko ang pag-uwi ko. Pagdating ko po hindi ako agad pumapasok sa loob ng bahay, doon muna ako sa maliit na paradahan ng aking motorsiklo na pinalagyan ko na rin ng maliit na banyo, at isang mesa at isang upuan na pahingahan.

        Huhubarin ko ang aking jacket, ang aking sapatos, at agad kong idini-disinfect saka iha-hanger. 

        Habang nagpapahinga ay nagpupunas ako ng bimpo na ibinabad sa maligamgam na tubig habang humihigop ng mainit na Krystall Nature Herbs.  

        After 30 minutes ng pagpapahinga, papasok na ako sa banyo saka mabilis na magha-hot shower. Pagkatapos no’n ay saka palang ako papasok sa loob ng bahay para kumain kasalo si misis. Ang mga anak ko ay pinapapasok ko na sa kuwarto.

        Ang aking mga hinubad na damit ay agad ibinababad sa timbang may tubig na may halong disinfectant.

        Bago matulog, naghahaplos ako ng Krystall Herbal Oil, sa buong katawan, para ma-relax ako at makaiwas sa pasma. Minsan kapag medyo masama ang pakiramdam ko ay nagsusuob pa ako, bago magpahid ng miracle oil sa aking katawan.

        Kinabukasan, bago muling bumiyahe, iinom ako ng Krystall B1, B6, B12 pagkatapos mag-almusal. 

        Kasama ang panalangin, naniniwala po ako na malaking tulong ang Krystall herbal products sa pangangalaga ng aming kalusugan ng aking buong pamilya ngayong panahon ng pandemya.

        Maraming salamat Sis Fely sa mahuhusay ninyong imbensiyon. Mabuhay po kayo.

Ang inyong suki,

RENATO SALVACION

Valenzuela City 

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …