Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa tatlong pelikula ‘tinanggihan’ dahil sa CoVid-19 (Kahit nagpa-vaccine na)

Tatahi-tahimik lang itong si Direk Reyno Oposa, ‘yun pala. may tatlong movie offers siya sa Filipinas para i-direk ngunit kanyang tinanggihan.

Valid naman ang reason ni Direk Reyno kung bakit ni isa sa alok sa kaniya ay wala siyang tinanggap kasi ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga artista at mga tao sa production.

Kung ang mga big TV networks nga raw ay paurong-sulong ang lock-in taping dahil marami na ang nahaha­wa at nagka­ka­sakit ng CoVid-19, sila pa kaya na independent producers lang.

‘Yung movie ni Direk na Taras na last February pa ang shooting ay medyo maayos-maayos pa noon ang  sitwasyon sa Filipinas pero ngayon ay sobrang nakatatakot na kaya kaysa isugal ang kaligtasan ng mga artista niya ay minabuting hu­wag na itong gawin ng kai­bigan naming director.

Last May 14  nga pala ay nagpa-vaccine na si Direk sa Canada.

Well marami ng natapos na movies si Direk Reyno, tulad ng Agulo: Sa Hinagpis ng Gabi nina Kristoffer King at Janice Jurado, Silab, etc. At itong Taras na pinagbibidahan ng anak ni Rosanna Roces na si Dennis Cruz.

Lahat ito ay hindi pa naipapalabas sa sinehan. Pero sa nais mapanood ang mga nabanggit na pelikula ay bumisita lang sa official YouTube channel ni Direk na Reyno Oposa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …