Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy ni Bea Alonzo naka-experience ng ‘one-night stand’ (aughter na actress ‘nada’)

ANG ikabibilib mo sa mother ni Bea Alonzo na si Mrs. Mary Ann ay very frank sa kaniyang mga saloobin.

Like deretsahan niyang sinasabi na ayaw niya kay Gerald Anderson para sa anak dahil isa siyang ‘taksil.’

Sa latest Vlog naman ni Bea, guest niyang muli ang kanyang mother dear at hayun naglaro sila ng “Never Have, I Ever” bilang selebrasyon ng Mother’s Day.

No holds barred ang mga tanong na kailangang sagutin ng mag-ina. Nang madako ang question about one night stand, agad sumagot si Mommy Mary Ann ng “I have” na ang ibig niyang sabihin ay nakaranas siya nito noon at hindi porke hindi siya maganda ay hindi siya makai-experience nito.

Kaya laugh nang laugh si Bea sa tinuran ng kanyang Nanay, dahil hindi niya ini-expect na ire-reveal nito ang nakaraan. Unlike her, na hindi pa raw talaga naranasan ang ganoon.

Hayun dahil sa walang kaplastikang sagot ni Mrs. Mary Ann, in just 22 hours ay humamig agad ng 375K views (and counting) ang vlog ni Bea nang araw na iyon. Nasa 1.67-M ang bilang ng subscribers ng magandang aktres.

Samantala excited ang fans and supporters ni Bea sa balitang baka gumawa ang idolo nila ng teleserye sa GMA. Although wala pang kompirmasyon ay kalat na ang news na ito sa social media.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …