Sunday , December 22 2024

Mataas na bilang ng Covid-19 infected sa Pasay isinisi sa KTV resto/bars

MARAMI ang nanghihinayang sa halos 12-buwang sakripisyo ng maraming mamamayang Filipino na halos naghilahod sa hirap para makaraos sa panahon ng ‘lockdown’ — ang solusyon ng pamahalaang Duterte sa paglaban sa CoVid-19 na nanalasa sa buong mundo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nakararaos ang mga mamamayan o pami-pamilyang nawalan ng trabaho.

Nanghinayang dahil hindi pa man sumasapit ang ika-12 buwan, e bigla na namang sumirit ang bilang ng mga infected ng coronavirus o CoVid-19 — ang nagpadapa sa ekonomiya ng buong mundo.

Lalo ng mga bansang hindi wastong natugunan ang pagharap sa isang uri ng virus na kung tutuusin ay hindi pa nakautas ng kalahati man lang sa casualties ng Spanish flu noong 1918. 

Ang Spanish flu, kilala rin bilang 1918 influenza pandemic, ay umatake mula Pebrero 1918 hanggang Abril 1920. Umabot sa 500 milyones ang tinamaan ng Spanish flu at tinatayang 70 hanggang 100 milyones ang namatay — ito ang sinasabing deadliest pandemic sa human history.

Kumbaga, sisiw ang bilang ng mga biktima ng CoVid-19 — na sinasabi ngayong ‘deadly.’

Pero sa Pasay, ang sinisisi ng mga mamamayan sa pagsirit ng bilang ng mga nahawaan ng CoVid-19 ay dahil sa pagpayag ng lokal na pamahalaan na mag-operate ang mga KTV resto/bars kahit hindi pa klaro ang pandemya.

Naniniwala ang mga residente sa lungsod, na isa sa source nito ang Club Matrix, isang club sa Macapagal Ave., na dinarayo ng Chinese nationals, karamihan ay galing sa mainland China.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang club ay eksklusibo para sa Chinese nationals.

At siyempre sa loob ng club, paano nakasisiguro na naipatutupad ang physical/social distancing. Hindi naman pupunta ang mga parokyanong Chinese para makipagtitigan lang sa mga bebot na guest relations officers (GRO).

Ang daming violations niyan. Lahat ng health protocols ay maliwanag na nilabag. At hindi na tayo magtataka kung ‘yung empleyado o GRO sa nasabing club ay makapag-uwi ng virus sa kanilang mga tahanan sa Pasay City.

Hindi lang Club Matrix, nariyan din ang Titan Z sa Macapagal Ave., sa Pasay pa rin, at ang dating Miss Universe na ngayon ay kilala bilang Universe Entertainment and KTV Bar/Campus sa F.B. Harrison sa Pasay City rin.

Wattafak!

Kung pag-aaralan ang ganyang sitwasyon ng Pasay City, hindi katakang-takang tumaas ang bilang ng mga CoVid-19 infected sa lungsod?!

E bakit ba parang giveaway na lang kung mahawa ng CoVid-19 sa Pasay City?!

Kapag tinitingnan natin si Pasay City Emi Calixto-Rubiano ‘e napakalinis naman niyang tingnan…malinis sa katawan.

E bakit naman tila nagiging ‘burara’ si Mayora sa kalusugan ng kanyang mamamayan?!

Anyare Mayora Emi?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *