Thursday , December 19 2024

Billy Crawford, malaki ang pasasalamat sa biyayang dumarating ngayong pandemya

BUKOD sa pagdating ni Baby Amari, Billy has a lot to thank the Lord for.

Imagine, right after the ABS-CBN shutdown, hindi pa rin siya nawalan ng trabaho.

Magaling naman kasi siyang host kaya tuloy-tuloy pa rin ang dating ng blessings.

Imagine, tuloy pa rin ang Lunch Out Loud ng Brightlight Productions, at may dumating pang isang blessing by way of the The Wall Philippines that was given to him by Viva Entertainment.

Nakatakdang mag-start ang The Wall Philippines this March 13, Saturday, at 6:00 pm at TV5.

Naikuwento ni Billy, ilang beses raw nilang pinag-usapan ng wife niyang si Coleen kung ano ang kanilang gagawin in the event na wala pang dumating na work.

Nagkaiyakan daw sila dahil doon.

But fervent prayers have given positive results. Nalagpasan nila ang mga pagsubok.

Noong mawalan raw sila ng trabaho, at one point naisip na lang daw nilang mangibang bansa.

Anyway, paulit-ulit raw silang nagpasa­lamat sa Diyos dahil hindi sila pinabayaan.

“May mga tipong life decisions na kailangang gawin. Kasi, hindi madali mag-outlook o magtanaw ng positivity sa lahat na negative na nangyayari sa paligid mo.

“Pero ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon, nagdasal kami nang todo-todo, at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin.

“And we are slowly climbing that wall and, until now, kahit anong mangyari…

“I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga shows sa TV5, meron akong prime-time entertainment.

“Kumbaga, dito ko itinanim ‘yung sinabi sa akin ng tatay ko na there’s no such things as problems. Kasi, lahat ng problema, may solusyon.

“Hanggang ngayon, itinanim ko pa rin iyan sa puso, sa isip ko.

“Kaya no matter what pandemic season there is or coming or dealing, ang pinakaimportante is we have to look forward and we have to do what’s right for our family. Kaya nandito pa rin po ako.”

Happy raw siya dahil alam niyang makangingiti siya paggising niya sa umaga.

“I have a lot of things to do. Alam mo ‘yung drive, lalo na’t nandiyan ang anak namin ni Coleen, mas lalo kaming sumisipag,” Billy said emotionally.

Alongside with The Wall Philippines, ilu-launch rin ng Viva ang isa pang game show, ang 1000 Heartbeats Pintig Pinoy that is slated to be hosted by Xian Lim.

It’s slated to start on March 21, Sunday at 8:00 pm.

Mapanonood ang 1000 Heartbeats Pintig Pinoy sa TV5, at puwede rin sa Cignal Play app na libreng i-download ng Android at IOS users.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *