Saturday , December 21 2024
lovers syota posas arrest

Misis trabahong-kalabaw sa Makati; Mister ‘doble-kayod’ sa ‘makating’ kulasisi

NAPUTOL ang malili­gayang sandali ng isag mister at ng kalaguyo nang ireklamo at ipahuli sa mga awtoridad ng misis na nagtatrabaho sa Makati City, nitong Linggo, 31 Enero, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan.

Magkasamang himas-rehas ngayon sa kulungan ng San Miguel Municipal Police Sation (MPS) ang magkalaguyong kinilalang sina Jeffrey Lacanilao ng Brgy. Camias; at Evalyn Hipolito, 40 anyos, ng Brgy. Pulong Bayabas, sa naturang bayan.

Nahaharap ang mga inireklamong sina Lacanilao at Hipolito sa mga kasong paglabag sa RA 9262 (An Act Defying Violations Against Women and their Children) at Concubinage.

Napag-alamang du­mu­log sa himpilan ng San Miguel MPS ang biktimang itinago sa pangalang Milagros, at isinumbong ang kanyang mister na si Lacanilao na nakikiapid kay Hipolito.

Sinabi ng biktima sa mga awtoridad na sinasa­mantala ng dalawang suspek ang bawal na relasyon habang siya ay nagtatrabaho sa lungsod ng Makati.

Labis na sumabog ang galit ni Milagros dahil ang magkalaguyo ay idinaraos ang ‘kakatihan’ sa loob mismo ng bahay nilang mag-asawa.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *