Thursday , December 26 2024

Bakuna ng Intsik nakapuslit na sa PH market

HETO na naman ang ‘tono’ ng Department of Health na tila pagkahigpit-higpit sa kanilang patakaran na bawal daw ang bakuna kontra CoVid-19 na hindi dumaraan sa proseso.

Sinabi ito ni Secretary Francisco Duque III sa Kapihan sa Manila Bay forum kaugnay ng mga kumakalat na balitang nakapasok na sa Philippine market ang bakunang gawa sa China — nakapasok umano nang lihim o puslit.

Siyempre iisa ang ‘tono’ nina Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo at Sec. Duque: “Bawal ‘yang bakuna na ‘yan kasi hindi pa dumaraan sa proseso.”

Ang tanong, bakit nga nakalusot sa merkado?!

Gaya ng Lianhua Qingwen (gamot kontra CoVid-19 mula sa China) na sinabi pa nilang delikado at ipina-raid pa ang mga ‘Chinese illegal hospitals’ saka kinompiska ang mga gamot.

Pero paglaon, pinayagan na rin ng DOH na gamitin ito ng local doctors sa kanilang mga pasyente.

Kaya nga ang tanong noon, saan napunta ang mga nakompiskang Lianhua Qingwen na kinompiska ng mga awtoridad?!

Na-recycle rin ba saka muling pinalarga sa merkado parang shabu?!

Parang nakikini-kinita natin na dahil napakakupad magdesisyon ng DOH at marami pa umanong pinagpipiliang bakuna pero kitang-kita naman na nakakiling sa iisang kompanya.

Mas malamang na nagkakapakyawan na ng vaccine mula sa mga Chinese suppliers, pero ang DOH ‘nganga’ pa rin.

Hindi kaya alam ng DOH na dahil sa kupad nilang magdesisyon, ang mga “can afford” ay sinunggaban na ang bakuna ng mga Chinese?

At baka isang umaga, magigising na lang tayo na panay na naman ang ‘raid’ kabi-kabila pero paglaon ay aaprobahan din ng DOH?!

E lumang tugtugin na nga.

Sana lang, tigilan na ni Duque at ng DOH ang estilo nilang bulok.

Tsk tsk tsk…

Hindi talaga natin maintindihan kung anong ‘birtud’ mayroon itong si Duque. Lutang na lutang na ang kapalpakan pero kompiyansang-kompiyansa pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang CoVid-19 ay pandemyang kinakaharap ng buong mundo.

Pero sa Filipinas, may pandemyang CoVid-19 na, mayroon pang pandemyang Duque. Talagang double whammy ang tumama sa mga Pinoy.

Kapag minamalas ka naman talaga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *