IPINAALALA ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat unahin ang mahihirap at vulnerable sectors kapag nariyan na ang bakuna.
Kasunod ito ng paglalatag ng Department of Health (DOH) ng timeline para sa vaccine trial para sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni Go, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangang mauna ang mahihirap dahil sila ang mga kailangang lumabas para makapaghanapbuhay.
Agad naman tumugon si Health Secretary Francisco Duque III sa pahayag ni Go at sinabing kabilang sa mga uunahin ang health workers, frontliners, mahihirap, at maging ang uniformed personnel ng pamahalaan kabilang ang AFP at PNP.
Tiniyak din ni Duque, patuloy ang koordinasyon nila sa World Health Organization (WHO) para sa pag-develop ng vaccine habang natukoy na rin ang mga lugar at ospital na magagamit para sa phase 3 ng clinical trials.
Sa pagdinig, tinanong din ni Go si Duque hinggil sa update sa clinical trial at ano ang requirements para sa mga gustong sumali sa trial.
Base sa pagtatanong ni Go kung kailan inaasahang mabubuo ang CoVid-19 vaccine, sinabi ni Duque na inaasahan ang bakuna sa Abril 2021. (C. MARTIN)