Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DBM budget money

Pondo sa Bayanihan 2 DBM hinikayat ilabas

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go  ang pamahalaan partiku­lar ang Department of Budget and Management  (DBM) na i-release na ang pondong nakalaan para sa Bayanihan to Recover as One Act o mas kilala sa tawag na Bayanihan 2.

Sinabi ni Go, minadali ng legislative branch ang pagpasa sa measure para mabilis na matulungan ang mga mamamayan, mapabilis ang economic recovery at mapalakas pa ang paglaban ng bansa sa pandemyang CoVid-19.

Kinompirma ni Go, nakausap niya hinggil sa pondo si Budget Secretary Wendel Avisado para mayroon nang magamit sa mga proyekto ng gobyerno hinggil sa CoVid-19.

Tiniyak umano sa kanya ni Avisado na ginagawan na ng paraan para agad mai-release ang pondo base sa nakasaad sa bagong  batas.

Kaugnay nito, siniguro ni Avisado na ipinag-utos niyang sa loob ng 24-oras ay dapat mailabas ang pondo  matapos matang­gap ang request at makom­pleto ang requirements  pero inilinaw na hindi posible ang omnibus release  dahil kailangang sundin ang mga proseso.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …