Saturday , August 2 2025
NBI

2 ASG arestado ng NBI  

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of  Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayaff Group sa isinagawang operasyon sa Pasay City kamakailan.

 

Sa naganap na press briefing, iniharap sa media ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin at PIO chief Nick Suarez, ang dalawang suspek na sina Jamar Iba, alyas  BAS, at Raden Jamil, alyas Tamiya, kapwa miyembro  ng ASG.

 

Ayon kay NBI OIC Director Eric Distor, ang dalawa ay naaresto ng mga tauhan ng NBI Counter Terrorism Division makaraan ang matagumpay na surveillance nang makatanggap ng impormasyon na namataan umano si Bas sa Pasay City.

 

Nabatid, unang nasakote si Bas noong 12 Oktubre habang si Tamiya ay nadakip noong Oktubre 19.

 

Ang dalawa ay kapwa sangkot sa Jehova’s Witnesses kidnapping noong 2002 sa  Patikul, Sulu at kasama sa Order of Arrest na inisyu ng korte.

 

Sa kasagsagan ng kidnapping activity ng ASG ay nagsilbing perimiter guard si Bas. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *