NGAYONG araw, Martes, 20 Oktubre ay muli na namang sasalang ang mga personalidad upang maging resource persons sa senate hearing tungkol sa isyu ng ‘pastillas.’
Sabi nga ng mga taga-BI, sa lahat ng panghimagas itong ‘pastillas’ ang nakauumay…
Noong una kasi ay inakalang prostitusyon, pandemya at POGO ang magiging paksa ng imbestigasyon ni Senate Committee on Women, Children and Family Relations Chairperson Risa Hontiveros ngunit tila mas nakahanap ng pandiin na hahataw sa administrasyon nang mai-sway niya ito sa ‘pastillas’ sa airport.
Inaasahang sa pagkakataong ito ay makukulong ‘este’ maipepresinta na ang mag-ama na na-cite in contempt noong nakaraang hearing na sina dating Deputy Commissioner and POD Chief Marc Red Mariñas, ang kanyang ama na si retired Intelligence Officer Maynardo Mariñas at Immigration Officers Danieve “Denden” Binsol, at Rodolfo “Totoy” Magbuhos.
Kung lulutang ang apat, dapat parusahan o ikalaboso muna bago i-lift ang ‘contempt’ na ipinataw sa kanila?!
Sabagay, baka kaya malakas ang loob ng lawyer nina Mariñas na hindi papuntahin sa hearing ang mga kliyente niya dahil heavy-gat ang koneksiyon nila?!
Ano!? May konek pa rin sila sa ‘taas’!?
Sana naman hindi totoo ang nasagap nating balita na may panibago na namang pasabog sina Hontiveros tungkol sa pangatlo nilang “witness” na balita natin ay nasa kamay na ng mga taga-National Bureau of Investigation (NBI).
Juice colored!
‘Di pa pala game over?!
Tataas na naman ang blood pressure ng mga iimbestigahan diyan!
For sure mamumutawi na naman ang mga litanyang ‘parang ganito’ at ‘parang ganyan’ ni Allison “Alex” Chiong na patuloy na tumatanggap ng suweldo sa Bureau kahit hindi nagtatrabaho?!
Sarap ng buhay mo bata!
Ano naman kaya ang bagong kuwento ng isa pang state witness na si Jeffrey Dale Ignacio?
Si Ignacio na una nang sinampahan ng kasong qualified trafficking at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt and Practices Act ang naglaglag sa kanyang mga kasamahan at nagdawit kay Mariñas bilang mastermind ng ‘pastillas scam.’
Ito marahil ang naisip niyang paraan upang makaligtas sa non-bailable na kaso?
Ganern?
E siya maabsuwelto naman kaya?
Pinakahihintay rin daw kung magpapalit ng bagong hairstyle habang nakaupo sa witness stand!
Kung noong nakaraan ay ‘man bun’ ang ginamit na style ni Ignacio baka sa Martes ay ‘mohawk’ hairstyle naman?
Akala siguro ni Ignacio ay gimikan ang kanyang pupuntahan kaya conscious sa kanyang fashion?
Swabe ba!?
Abangan din natin kung lulutang muli ang general manager ng Empire Travel and Tours na si LIYA T. WU na noong nakaraang hearing ay represented ng kanyang abogado na si Atty. Benjamin Kalawang ‘ehek’ mali Kalaw pala na dating chief ng BI Legal Division.
Ayon kay Atty. Kalaw, bakit daw Empire lang ang pinag-iinitan gayong may anim pang agencies ang nagpa-facilitate ng Visa Upon Arrival (VUA) sa BI.
Hehehehe…nagturo pa no!?
Parang naghahanap ng idadamay?
Hak! Hak! Hak!