Saturday , November 23 2024

Korupsiyon sa DPWH ‘hindi alam’ ni Villar?

MUKHANG ang kalihim o secretary na lang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi nakaaalam na malala ang korupsiyon sa ahensiyang kanyang pinamumunuan.

        Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi niyan. Dahil hanggang ngayon, wala pang natatapos sa Build Build Build projects.

        Kung tutuusin, marami riyan ay nasimulan na ng nakaraang administrasyon at itinutuloy na lang nila.

         Ang nakatatakot, baka matapos ang administrasyon na ito ‘e hindi pa rin natatapos ang maraming proyektong sa ilalim ng Buil Build Build?!

        Wattafak!

        Pero ang higit na katawa-tawa, ‘yung hindi alam ni Secretary Villar ang korupsiyon sa ahensiya niya at mukhang hindi siya nababahala kung kailan matatapos ang mga proyektong supposedly ay siya ang namamahala.

        Sa tulong ng kanyang ‘sanpit’ na si Secretary Martin Andanar, ay nakapagpaliwanag siya sa Pangulo sa pamamagitan ng PTV’s Laging Handa Public Briefing.

Sabi ni Villar, gagamitin daw niya ang challenge ni Pangulong Digong para makapagreporma laban sa corruption.

“May mga nagawa na kaming reforms katulad no’ng monitoring systems. Ngayon po lahat ng ating mga proyekto may geo-tagging so malalaman po natin kung anong kondisyon ng projects,” ani Villar.

Sabagay, diyan naman kayo magaling, sa hulaan at ewan…

Hehehe 

        Naku e kung hindi pa pala nagsalita si Pangulong Digong ‘e hindi pa kayo mata-challenge niyan at parang walang balak na busisiin ang mga proyektong nakabinbin?!

        Kung hindi magbabago ang sistema nitong si Secretary Villar, malamang magaya siya kay DOH Secretary Duque, na nagpapakapal na lang ng mukha huwag lang matanggal sa puwesto.

        Makakapal na ang mga bulsa ninyo, huwag na ninyong pakapalin ang mga mukha ninyo.

        Ilang taon na lang si Pangulong Digong pero hanggang ngayon pawang press release lang ang build, build, build program and projects.

        ‘Yung sinasabing tapos na, sa press release lang pala, sa realidad ‘e hindi pa alam kung kailan matatapos.

        Hik hik hik!           

        Secretary Villar, kaunting nipis naman diyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *