INAPROBAHAN na sa 3rd and final reading sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng prankisa sa San Miguel Aerocity Inc., para sa operasyon ng paliparan sa Bulacan.
Sa botong 22-0 naipasa ang tinaguriang “Bulacan Airport Bill.”
Kung ia-adopt ng Kamara ang bersiyon ng Senado, hindi na kailanganin pang magkaroon ng bicameral conference sa panukala at idederetso na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Bulacan Airport at airport city ay itatayo sa 2,500 ektaryang lupain sa bayan ng Bulakan.
Inaasahang makatutulong ito para ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
(CYNTHIA MARTIN)