Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sugatang pulis pinarangalan ni Gen. Danao

MABILIS na nagtungo si PRO-4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., upang personal na makita ang kalagayan ng isang pulis ng Amadeo Municipal Police Station na inoobsebahan sa General Trias Doctors Hospital dahil sa tama ng bala mula sa isang lalaking amok na nagpaputok ng baril sa Barangay Pangil, Amadeo noong gabi ng 5 Oktubre.

Kaugnay nito, pinara­ngalan ni Danao si P/EMSgt. Gregorio Cuevas ng “Medalya ng Sugatang Magiting” sa pagpapakita ng kanyang kabayanihan, tapang at dedikasyon sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Nakatanggap din ng tulong pinansiyal mula kina Danao at PRO-4A ang pamilya ni Cuevas.

“Thank you for your dedicated service, ang iyong ginawa ay pagpa­pakita ng katapangan, katapatan at dedikasyon sa serbisyo. Magpagaling at magpalakas ka lang, ‘wag alalahanin ang gastos dito sa ospital. Keep up the good work,” pahayag ni Danao.

Matatandaan noong gabi ng 5 Oktubre nagresponde si Cuevas sa tawag ng mga residente dahil sa armadong amko na si Raydan Montibor, construction worker, residente sa East West Road, Barangay Pangil, Amadeo, Cavite.

Sa pagresponde ng grupo ni Cuevas, agad silang pinaputukan ng suspek gamit ang isang kalibre .45 at long firearm na carbine dahilan ng pagkakasugat at agarang pagkamatay naman ni Montibor.

Kasalukuyang ino­obsebahan si Cuevas sa naturang pagamutan makaraang operahan ang mga naapektohang body organs bunsod ng tama ng bala.

Ipinaabot ni Danao ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa pulisya ng PRO-4A sa patuloy na pagseserbisyo sa bayan sa kabila ng pandemya na kinakaharap natin ngayon.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …