Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Three-story house ni Paolo Ballesteros, main attraction sa Antipolo

THE three-year-old modern house of Paolo Ballesteros, appears to be the main attraction in a private subdivision in Antipolo City.

 

Napangingiti at labis na natutuwa ang mga nakakikita sa kanyang bahay na parang simbolo raw ng pag-asa sa panahon ng pandemya.

 

Apart from the red Christmas bow that tends to give the illusion that house of the actor/comedian appears to have been gift wrapped, he also made use of some big Christmas balls.

 

“Concept ko siya,” asseverated Paolo in an interview. “Matagal ko nang gusto i-decor itong bahay since lumipat kami.

 

“Last year, bumili na ako ng mga gagamitin na do-it-yourself na giant Christmas balls kaya lang, walang time.

 

“Ngayon nakahanap na ako ng gagawa at mag-i-install na tagarito rin sa Antipolo, ‘yung mga gumagawa ng costumes at set sa mga television series at movies. Sila ang gumawa ng costumes ko sa Wonder Beki.”

 

Further added Paolo, “At sakto, dito rin sila nakatira sa Antipolo.”

 

Almost one week rin ang pag-install pero reasonable naman ang price at maayos ang gawa dahil pasok sa kanyang standards.

 

Nagbalik-tanaw si Paolo sa kanilang pagdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang pamilya noong kabataan niya sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

 

Siya raw ang bunso sa tatlong anak nina Elito Amorsolo Ballesteros, Jr., isang artist, at Danielida Macapagal, isang dietician.

 

“Growing up, hindi namin na-experience na mag-decor ng bahay. Tuwing Pasko, automatic ‘yung maliit na Christmas tree namin at ‘yung twelve apple Christmas lights.

 

“Ngayong may sariling bahay na ako, siyempre gusto ko pag-uwi ko, after buong araw na work, e, ma-feel ko naman na Paskong-Pasko sa bahay para pampawala ng pagod.

 

“Saka, ‘yung mga tao sa bahay, especially ang anak ko, mga pamangkin, family and friends, pati na rin ang mga kapitbahay, e, makaramdam ng happiness sa panahon ngayon despite the pandemic.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …