Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek Ramsay, ayaw munang bumalik sa trabaho

Wala sa mood na magbalik-telebisyon si Derek Ramsay. Patatapusin raw muna niya ang 2020 bago siya bumalik sa trabaho. He would supposedly be spending his time first with his family, more so now that it has become a part of his routine every Sunday to have lunch with them and those of Andrea Torres.

Kaya naman lalong tinamad magbalik-telebisyon si Derek ay dahil nakapag-shoot raw siya ng dalawang commercials.

Okay naman daw ang outcome dahil naging maingat ang lahat ng production people in connection with the safety protocols and guidelines.

“We’re praying na everything will change and will go back to normal at doon na ako kakayod sa trabaho.

“This year, patapos na rin, gamitin ko na lang ‘tong oras to my parents, to my family. Kapag naging busy ako, hindi ko na rin sila makikita. You know, parang balance na rin,” asseverated Derek.

Pinayohan rin ni Derek si Andrea na huwag munang gawin ang isang episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You. Pero siyempre, siya pa rin ang masusunod.

Nabanggit rin ni Derek na right after gawin ni Andrea ang I Can See You, kung saan limang araw itong naka-lock in sa location at kailangang ma-self quarantine pagkatapos ng taping, ay tinamaan ng depression ang aktres.

“Parang na-stress siya nang sobra when she had to do the quarantine.

“She lives with her parents, ‘tapos hindi talaga siya lumalabas ng kuwarto. Parang tinamaan siya talaga ro’n.

“Sabi niya, hindi na muna siya magtatrabaho. Mahirap,” averred Derek.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …