Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pfizer nag-alok sa DOH ng bakuna kontra CoVid-19

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagpresenta para sa Filipinas ang malaking pharmaceutical company na Pfizer ng kanilang proposal kaugnay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinala­kay ang proposal ng kompanya sa isang pulong kasama sina Health Secretary Francisco Duque III at Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña noong Biyernes, 4 Setyembre.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Vergeire.

Paliwanag ng opisyal, binabalangkas ng dalawang panig ang isang confidentiality disclosure agreement para sa transparency.

“Once this is finalized, we will be discussing the arrangement with them,” wika ni Vergeire.

Kaugnay rito, nakipag-usap din ang mga tauhan mula sa DOH sa Russian Embassy sa Maynila tungkol sa nalalapit na pulong sa pagitan ng gobyerno at ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology, ang developer ng candidate vaccine na Sputnik V.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …