Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 miyembro ng Agustin crime group nasakote

ARESTADO ang tatlong miyembro ng Agustin Crime Group makaraang mag­positibo ang isina­gawang buy bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni MPD Abad Santos Station (PS-7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, nakapiit sa kanilang presinto ang mga suspek na kinilalang sina Roniel Agustin, 27 anyos, at kapatid nitong si Raymat, 23, kapwa residente sa Dagupan Ext., Tondo; at Ronald Vitug, 40, trike driver, residente rin sa nasabing lugar.

Kasalukuyang pinag­hahanap at tinutugis ng mga pulis si Rowell Agustin, kapatid ng mga naarestong suspek.

Ayon kay MPD District Special Operation Unit chief P/Major Gilbert Cruz, dakong  5:30 pm, nang magsagawa sila ng buy bust operation sa panulukan ng Dagupan Ext., at Solis St., sa Tondo katuwang ang operatiba ng MPD PS-7 sa pamumuno ni P/Cpt. Kherwin Evangelista.

Nabatid na nasa drug watchlist ng pulisya ang grupo at matagal nang minamanman ng pulisya bago ikasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek sa Dagupan Extension.

“Matagal na natin mina­manmanan ang galaw ng grupong ito base sa sumbong ng ilang concerned citizens at ng barangay sa lugar,” pahayag ni Cruz.

Ang grupo ay itinurong responsable sa pagbebenta ng baril at droga.

Nakuha sa mga suspek ang .38 revolver, tatlong bala ng .38, at dala­wang sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 , Article ll, Section 5 at 11 at kasong illegal possession of firearms and ammunitions ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …